HOME

PublicationNKK Lab Report

Summer Course 2011

Click here to read Original Report in English written by Funmilola Kuti (2011graduate)

PAG-UNLAD SA MUNDO NG MAY MABABANG CARBON:
“Paghahanda sa mga Propesyunal Tungo sa Paraan ng Pakikipaglahok sa Pagpaplano at Pagpapatupad ng mga Patakaran Kaugnay sa Pagbabago ng Klima”

Beijing Normal University, Tsina.
Agosto 4 - 14, 2011

Sinulat ni
Funmilola Oluwatosin KUTI

Isinalin sa salitang Pilipino ni:
Brando Cabigas Razon (2011 Graduate)

Una sa lahat, nais kong ipaabot ang lubos at taos puso kong pasasalamat kay Prof. Nobukazu Nakagoshi, n nagbigay sa akin ng pagkakataon na makarating sa Beijing, Tsina para sa 2011 summer course na may tema na ‘‘PAG-UNLD SA MUNDO NG MAY MABABANG KARBON”     (salin mula sa Ingles). Ang pagtitipon na ito ay magkasamang pinaghandaan ng Unibersidad ng Hiroshima Sentro ng Pakikipatulungan para sa Kapaligiran (Hiroshima University Center for Environmental Cooperation - HICEC) at ng Unibersidad Normal ng Beijing, Tsina (Beijing Normal University, China). Ang organisasyon na ito ay dalubhasa sa paghubog ng mga tagapagsaliksik upang mamuno sa hinaharap sa pagpapatupad at pagpapasiya ng mga patakarang may kinalaman sa kapaligiran.  Ang pagtitipon sa taong ito ay ginanap sa Unibersidad  Normal ng Beijing sa Tsina (Beijing Normal University, China) Agosto 4-14, 2011.  Ang mga lumhok ay mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ang mga kalahok galing Unibersidad ng Hiroshima ay bumiyahe mula sa pandaigdigng paliparan ng Hiroshima sakay ng eroplano ng Air China. Dahil walang biyaheng diretso papuntang Beijing, kinailangang lumipat ng eroplano sa Dalian.


Unang Araw ng Summer Course

Pagkarating ng hotel, ang lahat ay nagpunta na sa kanikanilang mga silid kung saan sila mamamalagi.  Nagsimula ang mga “lecture” sa pangalawang araw.  Si Professor Fujiwara ang nanguna sa pagbubukas na seremonya at nagbigay ng pambungad na talumpati.
Sunod-sunod na “lecture” ang ibinigy na pangunahing nakatuon sa Lipunang May Mababang Karbon.  Binigyang diin sa mga panayam na ang hindi episyenteng paggamit ng enerhiya ay laging nagbibigay ng polusyon sa hangin at pag-init ng mundo mula sa mga naibubugang hanging nagdudulot na pagkakulob ng mundo (green house gases).
Kasama din sa mga panayam ang tungkol sa pagbabawas ng paggamit ng “fossil fuel” (likas na deposito ng langis at uling na nagmula sa ilalim ng lupa/karagatan) sa lahat ng bahagi ng lipunan, maging sa pabrika man at sa pangtahanan.
Mula sa simula ng summer course, ang mga kalahok ay hinati sa walong pangkat na may tig-limang kasapi.  Ang aking pangkat ay tumutok sa tema na “Patakaran at Pagpapatupad ng Solar Panel sa Kanayunan ng mga Paunlad na Bansa” (solar panel – kasangkapang sumasagap ng sikat ng araw upang magamit na enerhiya).  Pgkatapos ng isang lingo ng sunod sunod na lecture, bawat grupo ay hiningian ng kanikanilang pagtatanghal. Noong ika-13 ng Agosto, 2011, ang pangwakas na pagtatanghal ay aming isinagawa. Napag-alaman ng aming grupo na ang halaga ng perang kakailanganin ay isang mahalagang pagsasaalang-alang na maggagabay sa pagtanggap at pagpapalago ng malikhain at nagpapabagong teknolohiya ng isang bansa.  Kadalasan na ang mga paunlad na bansa ay kulang sa pang-unang kapital at kaakibat na pondo upang maging kapakipakinabang na puhunan. Maraming mga bansa ay nag-aangkat ng may kamahalang teknolohiya ngunit hindi nakapaghahanda ng kaukulang imprastraktura upang mapagana ang mga ito.  Sa ginawang pagtatanghal ng aming pangkat, kami ay tumuon sa posibleng gamit ng enerhiya mula sa araw sa kanayunan ng bansang Bangladesh at iba pang paunald na mga bansa.  Naobserbhan sa Bangladesh, na ang mga NGO (non-government organizations – hindi pampamahalaang samahan) at mga samahang nagpapautang ng maliitang halaga ay nagpasimula nang magbenta ng mga kasangkapang gamit sa pag-iipon ng enerhiya mula sa araw, na hulugan lang ang bayad.  Ang ganitong makabagong pangunguna ay nagbigay ng magandang dulot para sa buhay ng mga tao sa kanayunan ng Bangladesh na hindi pa inaabot ng kuryente.  Isang pangunahing pananaw na ang ganitong parehong sistema ay puwedeng maisagawa sa iba pang paunlad na mga bansa, na kung saan sagana ang sikat ng araw at ang halaga ng ganitong proyekto para sa bawat tahanan ay katamtaman.  Ang kanilang gobyerno ay nangako din na tutustusan ito para sa kanila.

Ang ganitong mga paglikha ng pagbabago at teknolohiya ay napagalamang nakakabuti nang pagpapababawas sa epekto ng pangglobong pag-init.

Pagkatapos ng aming pagbibigay tanghal, ang grupo namin ang nakatangap ng pangunahing gantimpala bilang pinakamahusay na pagtatanghal ayon sa itinakdang pamantayan.  Nakatanggap ang bawat isa sa grupo ng plake.

 


Kuha sa pagtatanghal (kaliwa) at pagtanggap ng gantimpala (kanan)

       Itong summer course program na inihanda ng IDEC, Hiroshima University ay isang magandang karanasan para bawat isang nakilahok dahil binigyan kami ng pagkakataong makilala at makasalamuha ang ibang alumni ng IDEC at iba pang researcher na maaring maging bahagi ng aming mas malawak na pakikipagugnayan para sa pagtutulongang pananaliksik sa hinaharap.

Sa pagkkataong ito, nakilala ko si Dr. Eusebio Villar Angara, isange alumni of IDEC at dating mag-aaral ni Professor Nakagoshi sa NKK Laboratory.  Si Dr. E. Angara ngayon and Presidente ng Aurora State College sa Pilipinas.


Pagbibigay ng gantimpala sa mg nagwagi sa 2011 Summer Course (Kaliwa) at kuha nila Mr. Brando Cabigas Razon, Doktor Eusebio Villar Angara (NKK Lab Alumnus) at Ms. Funmilola Oluwatosin sa pangwakas na seremonya.                 

Pagbisita sa mga Makasaysayang Lugar
Itong summer course ay puno iba’t ibang mga kaganapan.  Nagkaroon kami ng pgbisita sa isang kumpanya ng solar panel.  Ang kumpanyang ito ay gumgawa ng mga gamit at kasangkapan o modyul (module) para sa paglikha ng enerhiya galing sa init ng araw. Ang mga solar panel modyul ngayon ang nagiging kilala na, at siya nmang napatunayan ng pananaliksik na makakatulong sa mga kanayunan ng mg paunlad na bansa upang mapabuti ang mga lugar na may problema sa kakulangan ng kuryente.

Pabisita sa Great Wall of China
Nitong summer course, kami ay nagkaroon ng pagpunta sa tanyag na Dakilang Pader ng Tsina (Great Wall of China) .  Ang pader na ito ay puno ng kasaysayan at isa sa pitong kamangha-manghang lugar sa mundo (7 Wonders of the World).  Isa itong tunay na napakagandang karanasan para sa bawat kalahok at kami ay nagkaroon ng masayang oras.


Mga miyembro at propesor ng Hiroshima University sa Great Wall of China


 Hapunan kasama ang ilang kalahok (kaliwa) at larawan ng grupo ng mga nakibahagi (kanan)

Ang iba pang tanyag na lugar na aming nabisita ay ang Beijing Olympic stadium at “Forbidden City”.
Ang programa ay natapos noong ika-14 ng Agosto 2011, nang may mahahalagng resulta.  Ang mga nakibahagi ay bumalik sa kanikanilang mga bansa kinabukasan ng ika-15 ng Agosto.
Sa aking sarili, marami akong nakuha sa natapos na summer course, gaya ng bagong kaalaman at mga bagong kakilala at kaibigan mula sa iba’t  ibang mga bansa na nagbubuo ng malawakang personal na koneksyon.  Nagawa kong mabigyan ng kabuluhan ang kaugnayan ng gamit ng enerhiya ng mga bansa sa kanilang mga ekonomiya.  Akin ding naintindihan and epekto ng paggamit ng enerhiya at pag-init ng mundo.  Ako ay nagnanais muli ng ganitong programa sa hinaharap.

Back to IALE Beijing page.

Publication HOME